On Cheap Medicine and Chief Justice

Office of Senator Pia S. Cayetano
News Release

On Cheap Medicine and Chief Justice

Transcript of ambush interview with Sen. Pia S. Cayetano
Hearing of the Quality Affordable Medicines Congressional Committee
Manila Tytana Colleges, Pasay City
March 8, 2012

Topics: Cheaper medicines, Chief Justice Corona’s media interviews

Q: Ano po masasabi n’yo sa lumabas sa hearing na tila hindi namo-monitor ng gobyerno [Food and Drugs Administration/FDA] ang presyo ng mga gamot [sa ilalim ng Cheaper Medicines Law?]

Sen. Pia S. Cayetano (SPSC): Ang sinabi ng drug stores association [Drugstores Association of the Philippines], hindi sila nakaka-comply sa MDRP [Maximum Drug Retail Price] kasi ang wholesale price na kuha nila sa mga gamot, mataas. So in other words, ibinaba yung retail price pero yung wholesale price [ng manufacturers/distributors] hindi ibinaba, nawawala yung tubo nila. Yun yung sabi nila. Kaya humihingi tayo ng specific reports sa kanila [DSAP], para makita natin kung ano yang drugs na yan na hindi naman naibaba ang wholesale price. Kasi lumalabas nilalabag din ang batas, kasi kung ang dating presyo nyan, ipagpalagay na natin na P100, pero sabi ng batas, gawing P50, pero ang benta naman sa kanila ay P50 din, wala na silang tutubuin. So yan ang angal nila.

Ang isa pang problema, isang hiningi ko sa kanila ay ang report nila, na mula noong nagkaroon tayo ng Cheaper Medicines Act, ano ang naging impact nito sa sales nila? Yun bang mga nagbabaan ng presyo ay dumami ba ang nakinabang at bumili? Kasi po karamihan ng nakita kong naisamang drugs, ang pagbaba ng presyo ay nasa 50 percent. Pero kung ang tablet na yun ay, ipagpalagay mo nang cancer medicine, dating nasa P80 na ibinaba sa P39, ilan ang nakinabang sa P39? At ilan ang pwede pang makinabang kung maibababa pa [hanggang] sa P6 [kapag inangkat nang maramihan ang naturang gamot ng gobyerno]? So yun ang hiningi ko.

Kaya yun ang hiningi ko sa DSAP, kasi sila yung nagbebenta ng gamot. And then we want to see kung ano rin yung records ng DTI & DOH because under the law, supposed to be, mino-monitor nila yun.

Q: Mam parang nagiging inutil yung DOH dahil hindi nila namo-monitor yung mga price increase, kung ilan yung gumagamit ng gamot, etc.?

SPSC: Yun nga yung reklamo ni Senador Villar kasi kung wala naman silang proper data. Paano mo sisiguraduhin na natutupad ng batas yung intension nito? Dahil hindi mo nga namo-monitor. Ngayon ako naman, medyo masama rin ang loob ko dahil alam ko yung kakulangan ng pondo para sa DOH. Kasi dati ko pa nirereport na for every inspector, ilan ang naka-assign sa kanya na botika [na dapat imonitor], sa isang region. So nung binilang ko yun, parang lumalabas na suwerte kung bawat botika madaanan nya kahit minsan sa isang taon. And I’m not just talking about botika ha? Lahat ng establishments pati manufacturers [kailangan ding mainspeksyon nya].

Ang isang issue na lumabas is hangga’t mayroong generic, yung mga tao ay kukuha at kukuha ng generic. Pero namo-monitor ba natin nang husto yung mga manufacturers ng generic? Kasi lumalabas na napakalaki ng contribution na mabibigay sa atin ng generic drugs. But now we have to be sure na up-to- par yan, kasi yung ibang mga tao bumibili ng branded. Kasi meron silang konsepto na mas maganda ang standards, at effective, yung mga drugs na nanggagaling sa branded company. Kasi ipaglalaban nya yung brand name nya di ba? So we want to be sure that generic companies also have that image. But how can we assure that, if we do not give enough funds to FDA na mapasara nya yung mga palpak, mapasara nya yung mga ‘fly-by-night,’ para naman mabigyan ng support yung mga legitimate generic manufacturers.

Q: Sa kakulangan ng pondo ng DOH, excuse ba sa inyo yun na hindi nila namo-monitor yung drug prices?
SPSC: It’s not an excuse but it is a valid concern. Kasi eight years ko nang mino-monitor, ano’ng magagawa mo eh kulang sila sa tao? So it is really a valid concern that they have na balikan ko man ito ngayon, paano kung bukas ay masupply-an naman yan ng mga peke? Kasi na-inspect na sya ngayon eh, so bukas pwede na ulit. It’s a valid concern kaya kailangan talagang pondohan ang FDA. Parang peace and order din yan. Hangga’t di mo rin pondohan yung mga nag-eensure na may peace and order tayo, lalaganap din ang krimen.

Q: Ano ang tingin n’yo kay Corona? Dapat ba syang humarap sa impeachment court?
SPSC: Karapatan yan kasi ng isang accused. So that is a very sensitive and crucial decision that every Defense has to make. Kasi natural naman sa tao na kung ang pakiramdam natin ay kung inosente ka, humarap ka. Pero if lawyer ka, alam mo na iwe-weigh mo muna yung pros and cons kung ihaharap mo yung kliyente mo. Regardless yan kung guilty sya or innocent kasi iwe-weigh mo yung impact nya, at kung ano din ang mga iba-ibang factors. So karapatan yan ng Defense. Hindi tama na husgahan ko sya [Corona] bilang judge, yung kaso nya, kung gusto nyang humarap sya.

Q: Lumalagari ngayon si CJ Corona sa media, sa tingin nyo po wala ba siyang nava-violate na rules?
SPSC: Ako consistent ako sa posisyon ko na, in the first place, all the parties should have refrained. I have stood up on the floor many times. Nagalit na nga ako sa Defense before sa mga accusation nila [‘P100 million per senator’]. Ilang beses ko ring pinuna yung prosecution and yung mga spokesperson nila, na para bang meron silang ibang korte sa labas. Mali po yun dahil niloloko natin ang mga tao, we’re making people think that these kinds of evidence are acceptable. And I’m talking about both parties. So both parties, as far as I’m concerned, have gone beyond the limits of what the impeachment trial should have. Pero nandyan na yan eh. And I would have to be firm on my position that we have exceeded that.

Q: In due time daw, bubuksan ni CJ Corona yung dollar account nya. So what’s your take on that?
SPSC: Well again karapatan po nya yon. Kung sa tingin nya ay makakatulong yan sa kanyang posisyon, sa tingin ko magandang move yun. Kasi ang sagot naman ng tao dyan parati ay: ‘Yung totoo lang po, ilabas natin ang katotohanan.’ So kung ano man ang desisyon nya, then I guess [sa tingin nya ay] makakatulong sa kanya yun. But then I always say, that is the right of the Defense. Hindi dapat husgahan ang Defense kung sya ay haharap o hindi. #

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>