Sen. Pia on Impeach Trial, Tobacco Regulation Law

News Release
31 January 2012

Transcript of ambush interview with Sen. Pia S. Cayetano
Chair, Senate Committee on Health & Demography
Member, Senate Minority
Senate Session Hall

Q: Regarding the change in schedules of the Senate, bakit po gusto n’yong i-limit yung time for the trial?

SPSC: Hindi naman ako ang nag-raise ng concern on the schedule pero nung pinag-uusapan yung how many hour we spend in one day, nabanggit ko lang naman na mapapadali at mapaparami ang maa-accomplish natin kung magii-stick po tayo dun sa isang rule na ‘Best Evidence Rule.’ Kasi po ang importante naman ay lumabas ang katotohanan at lumabas ang ebidensya and marami sa ebidensya maipapakita mo ito by document. Hindi kailangan na ipaliwanag nang ipaliwanag ng testigo kasi meron kaming rule na ‘Best Evidence Rule.’ Hindi ho natin ginagawang teknikal, ginagawa nga ho nating mas mabilis at mas maayos. So yun lang po ang naging comment ko, na if we would be strict with the rules, then once na ma-identify yung document na makakapagpatunay ng kung ano mang bagay, hindi na ho kailangan ng marami pang explanation, observation at comments ng mga witness at ng mga abogado.

Q: Dapat po bang limitahan ang oras sa trial?

SPSC: Hindi naman sa limitahan pero yun nga po yung essence ng comment ko. It’s not so much na lagyan ng time-frame na kung three hours tayo sa isang araw, or limang oras, pero gawing efficient ang paggamit ng oras. So kung ito yung purpose ng testigo, i-limit na lang natin doon, hindi yung marami pang side comments, remarks, kung hindi naman essential yun, dapat move forward, ‘Next!’

Kasi sabi 100 witnesses eh di ba. Ako duda ho ako kung kailangan ho lahat yun. Sabi naman ng prosecution hindi naman ho siguro matatawag lahat yun. So yun din po sa atin, let’s not waste the time of the Senate, let us not waste the time of the prosecutors, the defense, the individuals, and the Filipino people. Let’s choose the evidence wisely, let us be responsible members of the court.

Q: Yung kahapon pong trial ok po ba sa inyo ang naging daloy nun?

SPSC: Hindi. Masyado hong mabagal. Kasi po marami hong evidence dun na pwede nang patunayan sa best evidence rule, hindi na ho kailangan ng marami pang paliwanag.

I feel ginagawa lang yun for public consumption, which I don’t feel is necessary. It is not essential, it’s a waste of everybody’s time.

Q: Tungkol sa anti-smoking drive n’yo, Mam, I understand your office is receiving complaints and reports from other people about kung saan hindi nai-implement yung (Tobacco Regulation Act)?

SPSC: Actually nag-umpisa ho ito, kusang may mga nagsusumbong sa akin na marami hong restaurants tsaka malls na nagva-violate ho ng ating Republic Act 9211, tungkol sa smoking and non-smoking areas. So minabuti kong silipin din ng sarili ko pati rito sa sariling aking, kumabaga eh, ‘my home away from home,’ sa sariling opisina ko. At talaga hong may mga violations everywhere. Kaya yung privilege speech ko, nananawagan talaga ako sa lahat ng public officials and then sa lahat ng employers. Kasi po tayong mga nasa executive and managerial positions we should be the first to lead by example. Batas na po iyan eh, napaka-klaro naman po kung saan pwede mag-smoke at hindi pwedeng mag-smoke. Bawal po yung smoking area in the same room, hindi pwedeng yung isang kanto ginawa mong smoking area, bawal ho yon. It’s supposed to be a separate enclosed area. At yang enclosed area na yan, kailangan well-ventilated yan. Kasi ang ginagawa ho ng smokers [kung magkasama sa isang kwarto ang smoking at non-smoking area], bubuksan din nila nya yung pintong yun, so lahat din ng usok, lumalabas.

So lahat po ng restaurant, lahat ng hotel, lahat ng casino, follow the law. Because otherwise ano nang mangyayari sa bayan natin, anong mangyayari sa panawagan ng Presidente natin na maglakad ho tayo sa ‘Daang Matuwid?’ Let’s follow all the rules that we have implemented.

Q: Ano pong penalty sa mga public places na lumalabag sa RA 9211?

SPSC: Meron hong mga fines yun pero ang pinakamasakit sa lahat, eto po ay pwedeng revocation of business permit. Kaya pinapaalam ko, sinusulatan ko ang lahat ng mga malls na pwede hong ma-revoke ang buisness permit ng mga tenants nyo, pati kayo, kung iva-violate nyo po yun. And yung essence po ng law, let’s not nitpick here. Ang sabi po ng batas, hindi dapat nae-expose ang mga ayaw manigarilyo sa sigarilyo ng iba. So wag nyo hong gagawin yun na parang, katulad ho meron tayong mga semi-enclosed areas, yung ho yung mga areas na nasa labas na pero may mga bubong pa, eh pagtatabihin nyo yung smoking at no-smoking dun? Bakit kailangan nyo pa ba ng batas para sabihin sa inyo na nalalanghap ng katabi n’yo yung usok na yun. At mga kababayan eto ho ang tandaaan nyo: Billions of pesos are wasted on smoking-related diseases. Lahat ho ng nagkakaroon ng mga heart disease, diabetes, stroke, lahat po yan aggravated by smoking. So nasasayang ho ang pera natin. Nalalagay ho sana sa tama ang pera natin.

Q: Mam kaya po ba ng Department of Health na i-manage ito as chairman na (ng Inter-Agency Committee on RA 9211) sa halip na DTI?

SPSC: Dapat ho talaga Departtment of Health ang maging head ng inter-agency committee dyan sa tobacco. Kasi po it is a health measure, first and foremost, not a trade issue. So that’s an amendment that we are making in the bill. And we call on LGUs, by the way, local governments and individuals. Individuals, isumbong nyo po yung mga hindi sumusunod sa batas, and mga local governments, i-crackdown nyo ho, you have the authority not to renew their business permits if they refuse to adhere to the smoking and non-smoking rules, and apply it equally to everyone.

Q: Going back to the issue of efficient use of time, at the rate that we’re going, makakausad pa ba yung RHJ Bill na parang ganito lang na naisisingit lang sya sa umaga?

SPSC: Yes ganun talaga ang nangyayari. Uusad ho yan, huwag ho kayong mag-alala. Matiyaga naman ho tayo. Yung pagong naman nakakarating din naman sa finish line di ba? (laughs) #

Sen. Pia Cayetano at the morning session of the Senate on Tuesday (January 31, 2012)

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>