RH debate highlights: October 4

News Release
5 October 2011

RH debate highlights: October 4

Interpellations on Senate Bill No. 2865
‘National Reproductive Health Act of 2011’
Senate plenary session

Senator Lito Lapid (LL): “Gusto ko lang malinawan. Elementary pa lang ako naririnig ko na ang pagpigil sa populasyon ng Pilipinas. Bata pa lang ako naririnig ko na ang family planning. Sino ba ang nagpasimula o may akda nito?”

Senator Pia S. Cayetano (PSC): “Magandang mailagay sa record ang history nito sa ating bansa. Ang pinakaunang napag-aralan ko na nag-umpisa nito ay noong panahon ni President Marcos. Bago iyon, wala pa akong particular na nakita. Noong 1967, may 17 bansa ang lumagda sa UN Declaration on Population kung saan sinasabi nila na may problema sa populasyon at dapat ito ay bigyang pansin dahil nakaka-apekto ito sa ekonomiya ng bansa. Dahil dito, nagkaroon ng Executive Order kaya nagkaroon ng PopCom. (Population Commission]”

LL: “Ilang taon po kayo nang mag-asawa? Nag-family planning po kayo?”
PSC: “Twenty-eight. May awareness naman ako dito at aral ako sa isyung ito.”

LL: “Ano po’ng epekto nito?”
PSC: “Side effects? Ang pills po hindi naman dapat nakukuha na walang reseta ng doctor. Kasama naman po sa pagbili ng gamot ang listahan ng side effects, kagaya ng sumakit ang tiyan, masakit ang dibdib, sakit ng ulo…”

LL: “Gumamit po kayo?”
PSC: “Nakagamit po ako. Pero nung panahon na nagkaanak na ako ng apat, hindi na ako gumagamit ng pills. Nakunan ako ng isang beses.”

LL: “Bakit po?”
PSC: “Wala hong dahilan, hindi lang daw po talaga mabuo. By nature siguro, hindi lang talaga siya mabuo.”

LL: “Nag-asawa kasi ako sa edad na 21. Ang napangasawa ko ay 19. Ang anak ng asawa ko, lima. Sa akin, pito. Noong una hindi po kami nag-family planning. Una naming anak si [ex-Pampanga Governor] Mark Lapid. Pangalawa, babae. Pangatlo, sabi ko ‘dapat mag-family planning na tayo.’ Ang misis ko nag-injection. Tinanong ko, kaya nalaman ko yung banig. Nabuntis bigla ang asawa ko [sa pangatlo). Nung niluwal niya, blue baby, may sakit sa puso. Sabin g doktor, pag tumanda hanggang 14, hindi na magkakasakit. Pero noong 9, inatake ang bata at namatay. Sinabi ko sa kanya (asawa ko), siya ang gagamitin kong halimbawa sa Senado.

“Yung ‘bingot,’ (harelip) napapansin ko noong maliit ako, mga dalawa lang nakikita ko. Tinanong ko sa nanay ko kung bakit ganon. Sabi ng nanay ko, ‘dahil nadapa ang nanay [nung nagbubuntis pa].’ Pero ngayon marami na akong nakikitang ganito. Sabi ko, ‘Ang dami namang buntis na nadadapa.’”

“Isa pa, bakit noong nagkaroon ng family planning, nagkaroon ng triplets, fourplets (sic)? Kapag nakapasa ba ito, nagagarantiya ninyo na hindi mangyayari ang mga ito?”

PSC: “May kilala talagang side effects ang pills kagaya ng mga nabanggit ko kanina. Pero sinabi ho ng napakaraming pag-aaral na walang nakikitang relasyon sa kapansanan ng sanggol sa paggamit ng kontraseptibo.”

“Kagaya ng anak ko [referring to her youngest son Gabriel, who died at the age of nine months in 2001], sabi nga dito sa discussion, ang tao po ay may 46 chromosomes. Ang anak ko, may 47 chromosomes. Kung hahanapin po natin sa pag-aaral, wala po talagang koneksyon sa family planning. Karamihan po ng mga sakit, hindi pa talaga alam ang dahilan. Pero sinasabi po naman minsan kung konektado sa paggamit ng kontraseptibo. At wala pong research, pag-aaral at ebidensya na magsasabi ng ganyan. May side effects po kagaya ng hilo, sakit ng ulo, pero wala pong seryosong side effects.”

“Magandang tanong ho tungkol sa cleft lip and palate . Natanong ng nag-uultrasound kung nadapa raw ba ako. Pero napag-aralan ko yan. Mga walang basehan na paniniwala po yan. Kaya nga po mahalaga ang RH Bill kasi sisiguraduhin na lahat ay magkakaroon ng pre-natal care para sa mga babae para hindi malagay sa alanganin ang pagbubuntis niya. Parte po ito ng RH.”

LL: “Paglalaanan ba ito ng pondo ng gobyerno? Magkano?”

PSC: “Dito sa RH bill, hindi tayo naglagay ng particular na halaga. Pinapahalagahan ko ang lahat ng opinyon para magkaroon tayo ng debate kung magkano talaga. Handa akong tanggapin ang suhestiyon ng mga kasamahan ko at para siguraduhin na hindi maabuso ang halagang ito. Minsan po, sinasabi na bilyon-bilyon ang ilalaan para sa condom. Hindi po totoo iyon. Ang bilyon-bilyon ay sumasakop din sa nutrisyon, kalusugan ng nanay, pagtatayo ng BEmOC facilities (Basic Emergency Obstetric and Newborn Care)at CEmOC (Basic Emergency Obstetric and Newborn Care). Ang basic, kung walang kumplikasyon ng nanay, pwede na doon. Pero kung makita ng midwife na hindi nila kaya, kailangan nang i-refer sa doktor, doon pa lang dadalhin sa CEmOC.”

“Ang cost po ng BEmOC facility ay 8M. Ang maganda po, marami na tayong ganyan, upgrade na lang po na average of P1.3M ang magagamit. Yan po ang malaking gastusin natin. May gastos din sa training kahit sa midwife, lalo na kung sa CEmOC maa-assign. May budget po dito.”

“Sa contraceptives naman, ang RH needs ng bawat isang LGU ay paiba-iba rin. Depende rin sa magiging request ng bawat isang LGU kasi nga sinasabi natin na RH care is personal kaya ganon din ang trato natin sa bawat LGU, depende sa ipi-prisinta nila sa DOH.”

“Halimbawa, kung bata pa ang populasyon, maaaring hindi na natin pondohan ang permanent methods kagaya ng vasectomy at pagtatali. So personal po talaga depende sa pangangailangan.”

LL: “Magkano po ang (budget) kabuuan?”

PSC: “Ito po ang proposal ng DOH. Bago ko ibigay ang kabuuan, nire-request ko pa ito na himayin ng DOH. For 2012, P13.7B ang kanilang hinihingi. May P3M po para sa major final output sa health policy and development program; capacity building ay P18.5M; sa priority health programs, P12.5B. Hindi ko po ibinibigay ang suporta sa halaga na ito dahil hihimayin pa.”

LL: “Kung sa gamot lang, magkano? P2B? P3B?”

PSC: “Parang P2-3B po ang suggestion ng DOH sa Committee. Pero hindi pa ito ang irerekomenda ko.”

Senate President Juan Ponce Enrile (JPE) [interjects]: “ I was struck by the statement that there was already a proposal for budget. At least the sponsor said that she has not agreed yet. So there are figures na. Who are proposing the budget?”

PSC: “I am only dealing with figures coming from DOH. I’m sure there will be other inputs but as of now, I am only accepting proposal from DOH.”

JPE: “Why is it not included in the budget of DOH? The title of the bill pronounces ‘An Act Providing for a National Policy on RH and Population and Development.’ When I started pressing for an explanation where population policy is found in the text of the bill, there was no clear answer. There is no transparent definition of population. This now suggests to me that the bill really hopes to curb our population. I heard the word ‘NGOs,’ so who are these NGOs and why are they proposing? And why is the DOH hiding when they are proposing a huge amount that will eat up a lot of taxpayers’ money?”

PSC: “I welcome the Senate President’s suggestion to scrutinize the bill. We have been here every day to respond to questions and concerns on the bill. Just to respond to the insinuation on intent to deceive the public about population program, the bill is very clear that any person can read it and understand it. I am thankful for the questions of Sen. Lapid because this allows us to put into the record that in fact, there was a population program in the Philippines in the 1970s.”

JPE: “But that [program] was imposed upon us.”

JPE [Cites a book on population control program by Prof. Bernardo Villegas]: “Part of the intention can be traced to the memorandum by then Secretary of State Kissinger where they identify countries of US strategic interest. They would not want Filipinos to use the Philippines’ resources because they would want to exploit our resources. This is the reason why President Marcos had a change of mind. Part of the Marcos government confessed to the framers of the Constitution that the program was imposed upon us.”

PSC: “I would like to put on record that the author, Mr. Villegas is a proponent of the belief that any form of family planning is population control. And his opinion varies from those (including experts) who believe otherwise. I would like to stand by my position on this bill.”

“What distinguishes the proposed measure from previous programs is the freedom of choice. The 1973 Constitution says it is responsibility of state to achieve and maintain a population level. The 1987 Constitution no longer has a provision that maintains a certain level of population. It speaks of right of couples to found a family. The Constitution makes that very clear distinction. To my mind, there is no imposition of population or family control method that will be used to achieve certain economic goals. The intention is for the family to be able to choose their size depending on their religious beliefs and ability. This bill is being consistent with the [1987] Constitution.”

JPE: “Hindi kami tutol sa desisyon ng magulang na pasyahan ang liit o laki ng pamilya sa abot ng kakayahan. Ang tinututulan namin ay interbensyon ng Estado kung saan bilyon-bilyong piso ang ibibigay para sa condom, mga pildoras upang hindi mabuntis ang kababaihan na dapat mabuntis kung gusto nilang mabuntis. In other words, birth control. “

PSC: “Just on the last statement alone, that is very unfair. The bill is not isolating any group and imposing upon them involuntary sterilization. Neither is there a population control. That is a myth and an unfair statement. “

JPE: “Hindi namin tinotoo ang implementasyon ng program noong 1970s sapagkat pabalat-bunga lang ito upang mapagbigyan ang kaalyadong bansa natin. Ngunit dito sa panukalang batas, hindi kami ang nagsabi na may population policy. Panukalang batas mismo ang nagsasabi na may state policy sa RH at sa populasyon at sa development. Hanggang ngayon, hindi pa rin maliwanag. Pag pinag-aralan mo ang kabuuan ng batas na ito, i-relate mo sa sustainable development, makikita mo na magtutugma ang birth control at ang assessment of the environment and resources of the country in order to make life easy and happy and worthwhile for the next generation. So population control talaga.”

“The bill is proposing to do all these without explicitly saying so. At what point will the distribution of condoms be stopped? Who will decide who will give birth, who will not give birth?”

PSC: “Distribution and availability of services that will save lives when another pregnancy might endanger the life of the mother will stop when there is no more need for it; when there is no longer one woman that would need the help when another pregnancy might endanger her life.”

“We can’t just tell a woman, ‘sorry we can’t help you’ and just let her die just to be able to say proudly that ‘we have no population control program’? Kaya paninindihgan ko na ang pakay ng RH bill ay bigyan ng RH services ang mahihirap na kababaihan.”

JPE: “I stand by my statement. And I’m willing to prove it. In fact this bill is unfair to the Senate, that the intent of the bill is not explicity said.”

PSC: “That is not an accusation and it is unfair that you are choosing to not look at the bill and look at something that is not there.”

Senate Majority Leader Vicente Sotto III (VS) [interjects]: May BEmOC at CEmOC naman po ngayon ang gobyerno. Baka isipin po ng mga nakikinig na wala namang ginagawa ang gobyerno.

PSC: “Tama po, may ginagawa ang gobyerno. Pero ang tanong, ‘Sapat ba ang ginagawa ng gobyerno?’ Hindi po. Without the support of the proposed law, hindi po makakarating ang serbisyo sa iba’t ibang lugar. May facilities po. Pero sapat po ba? Hindi po talaga. We all know that it is the law that will guarantee enough funding for that.”

LL: “Ipagpalagay po natin P3B para sa RH taon-taon.Hirap na hirap nga po tayo taon-taon. Kung may P3B po a year. Napakarami po ng tao sa siyudad. Kung ilagay kaya natin ang mga tao sa mga probinsya para hindi siksikan? Kung ilagay po kaya natin ang P30B (P3B x 10 taon) para sa pagbabalik sa mga tao sa probinsya, baka maging maginhawa pa ang buhay ng mga tao?”

PSC: “Hindi po ako tututol na magkaroon pa ng ibang programa ang gobyerno para maibigay ang basic needs, lalo na ng mga kabataan. Pero hindi ibig sabihin nito, hindi na dapat bigyan ng kakayahan ang mga mag-asawa na magplano ng bilang ng kanilang mga anak. Balanse dapat ng ating pagtingin. Hindi naman tama na bawasan natin ang pondo ng ibang programa para sa iba pang programa. Dapat buo ang pagtingin at kasama dito ang responsableng pagpapamilya.”

LL: “Maganda po ang inyong tinuran.” [Tinapos muna ang kanyang ineterpellation para ituloy sa ibang araw.]#

Photo – LIGHTS, PLENARY, ACTION! In one rare moment at the Senate, Senator Lito Lapid (foreground) takes to the floor to interpellate RH bill sponsor Sen. Pia Cayetano. On her twitter, Sen. Pia would later say she was pleased with Sen. Lapid’s questions because it gave her the opportunity to clarify common misconceptions about the relationship of contraceptives with pregnancy- and birth-related complications.

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>