Pia: ‘We are not a Church State’

Senator Pia S. Cayetano on Reproductive Health (RH) Bill / Chairperson, Senate Committee on health and Demography / Senate Committee on Youth, Women and Family Relations / Transcript of Interview, Philippine Senate

Q: Si Archbishop [Jose] Palma ng Cebu said na ‘terorista’ raw po yung mga pro-RH, like you, any reactions?

SPSC: Talagang alam natin na mainit na issue ito. Pero ang lagi ko ngang sinasabi… nagkaroon po tayo ng forum* sa Ayala Alabang [Note: A posh village located in Muntinlupa City]. Taga-doon po ako, barangay po yan. Nagkaroon po tayo ng film showing tungkol sa state of maternal and child health para magkaroon po ng information ang mga tao kung ano naman ang nangyayari sa labas ng Ayala Alabang. Ipinakita po natin doon ang mga kababaihan na walang trabaho; mga pamilya na walang trabaho; kung ilan ang anak nila; at kung nabubuhay ba nila mga anak nila. And even in that small forum, I try to answer their [anti-RH Bill] questions. But at the end of the day po, maraming misinfomation. Like for example, yung abortion, niliwanag po natin doon na wala sa panukalang batas ang nagpapahintulot ng abortion. In fact, binasahan ko sila ng Revised Penal Code kung saan klaro na bawal ang abortion, and that is also provided for in the Constitution.

And then on the use of contraceptives naman, may mga nagtatanong: ‘Bakit ba binibigyan ng napakalaking panahon yang condom na yan? Wala na bang ibang solusyon ang gobeyrno sa mga problema?’ Sabi ko, I suppose pag titignan mo ang lahat ng ating government agencies, umaandar naman ang ating government ano? May mga nakatutok sa housing, sa infrastructure, sa iba-ibang aspect ng health care. And I can only speak for myself: Habang hine-hear natin ang RH, nag-hea-hearing din tayo sa state of working conditions ng kababaihan [Note: Held Thursday, April 28 at the Senate]. And then andami na rin nating hearing on the proposed amendments to PhilHealth Law. In fact, malamang mauuna ko pang ma-sponsor ang PhilHealth Bill kaysa sa RH Bill. Kasi ang latest draft [ng PhilHealth] ng Technical Working Group, ni-review ko ngayong break. Basically, approved na sa kin, pero may konti pa akong clarifications. So hopefully pagdating ng session baka prepared na rin ako mag-sponsor nyan. So mauuna pa actually yung PhilHealth kaysa Reproductive Health. I’m taking time to review yung mga concerns

Q: So at this stage wala pang dapat ikabahala ang Simbahang Katoliko na mailulusot na ito?

SPSC: I want them to know na I’m working on it. Lahat ng mga concerns ina-address ko.

Q: But are you open for dialogue?

SPSC: Open ho parati. Pero ang sinasabi ko ganito: We live in a democratic country kung saan may separation of Church and State. Which means po, kung ano man ang relihiyon n’yo, lahat po kayo ay may karapatang paratingin sa amin, as legislators, kung ano ang mga opinyon nyo. Pero pag ginawa ho namin ang batas, wala ho kaming puwedeng kilingan na isang relihyon dahil bawal po iyon.

So for example po, doon sa relihiyon na pinapayagan ang mga sumasamba doon na gumamit ng isang klase ng contraceptive, obligasyon po ng State na–as long as considered safe po yan–na maging available po yan sa taumbayan. Hindi ho pwedeng diktahan ng kahit anong simbahan, kasi otherwise, para na ho tayong nagiging Church-State. Para na ho siguro tayong ibang bansa sa Middle East na kinikilatis natin dahil nakikita nating dinidiktahan ng relihiyon nila, eh yun din ho ang gagawin natin! Ang akin po is an assurance na kung ano man ho ang relihiyon nyo, that will always be respected. Hindi ho natin ididikta ang relihiyon ng isa sa relihiyon ng iba. Respected po ang inyong choices.

Q: Any message for the Bishops?

SPSC: Opo, na respected po na kung ano man ang paniniwala ng mga Catholics, that will always be reflected [in the bill]. Kung bawal ho sa kanila na gumamit ng kahit anoing artificial [contraceptives], wala hong mamimilit na gumamit sila. Pero kung yan po ay pinapayagan ng ibang relihiyon at personal na paniniwala ng ibang tao, then the State has the obligation to make it available.

Ang halimbawa ko ngang binigay, kasi ang sabi ng iba eh: ‘Kung ayaw kong gumamit [ng contraceptives], bakit ako magbabayad [ng buwis] sa project ng Department of Health (DOH) na nagbibigay ng condom?’ First of all po, ang project po ng DOH at ang funding ng bill na ito will cover maternal health in general, including the creation and establishment of health centers and lying-in clinics, yung pagpapa-sweldo sa doktor at midwives, pati yung equipment na maninigurado na kung may kumplikasyon ang pregnancy, ay hindi mamamatay ang nanay na yan. So hindi lang condom ang binabayaran po.

And having said that, pag sinabi naman ng iba na: ‘Hindi naman ako gumagamit nyan [contraceptives]!’ Ang sa akin lang po ay ganito: Ako po ay bumiyahe pa-norte bago mag-Holy Week. Hindi po ako bumiyahe papunta sa Bicol. Pero ang national road po dyan, nabayaran ko, nag-contribute na po ako ng taxes dyan. So just because hindi kayo gumagamit [ng isang serbisyo], hindi ibig sabihan n’yan na hindi ho dapat kasama yan sa paggagastusan ng national government for the general welfare. #

* The office of Senator Pia Cayetano, in coordination with the Mu Sigma Phi Fraternity based at the UP College of Medicine in Manila, sponsored a short film and docu-showing on maternal and child health on Tuesday at the Country Club oif Ayala Alabang Village (AAV). AAV is located in Barangay Ayala Alabang, which stirred a national controversy when its local council passed an anti-RH ordinance early this year. The audience was composed of village residents, including pro-RH, anti-RH and the undecided.

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>