On the Expanded Maternity Leave Bill

News Release
03 November 2015

“Women employees will be more productive if the maternity leave is extended”
Transcript of interview with Senator Pia S. Cayetano
Chair, Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality

Interviewed by Ms. Connie Sison
On Balitanghali, GMA News TV

Ms. Connie Sison: Welcome development po ito sa lahat. Talagang makakatulong ito, lalung-lalo na sa mga kababaihan, sa pangangalaga ng kanilang katawan at sa kanilang baby na rin. Gaano po katagal, bago of course, naging ganito, maganda po ang kinalabasan sa Senado nito. Kasi alam natin na medyo dapat matagal na sana hindi ba, matagal na dapat ito?

Sen. Pia S. Cayetano: Alam mo, it takes time for people to understand and appreciate yung mga pangangailangan ng kababaihan para tuluyan tayong maging mas productive members of our society, and to be able to balance our role as mothers. Pero gayunpaman, masaya naman ako na pasado na ito sa committee level so I will start defending it on the Senate floor. We resume session today, so on this day onwards, ready ako to defend this bill and I’m hoping na, I don’t think naman na mayroong kokontra dito. Medyo nakatanggap din tayo ng kaunting pangongontra, sa employers’ section. But we’re hoping na ma-realize naman nila that at the end of the day, very clear naman ang ating data na the more na masuportahan ang mga nanay, the more na magiging productive din naman sila sa trabaho.

CS: Kasi ang takot ng mga employers ay baka syempre maapektuhan naman yung kanilang mga negosyo. Di ba kung matagal masyado?

PSC: Pero hindi naman [inaudible] yung pangambang yun dahil studies show na basta ang nanay may time sa mga anak nya, the more na nababawasan ang mga absences, and the more na nagiging productive sya. Clear na clear tayo dyan, we just have to be able to get the employers’ section on board.

CS: Tama rin naman yun. Ma’am isa-isahin natin ano, himay-himayin lang natin para lahat ho maintindihan eto pong pinanukala ninyo.

PSC: Well first of all, unang-una dito, ang existing natin na maternity leave is 60 days [for normal delivery] or 78 days pag caesarean. So ang ginawa natin, ginawa nating 100 days. One hundred days is mahigit sa tatlong buwan, na sa tingin natin ay nararapat para sa tuluyang pagbalik ng nanay sa opisina, medyo mas makikita mo nang medyo mas malaki na ang anak mo, mas kaunti na ang pangamba mo na napakaliit pa ng baby mo bago mo iwanan. And number two, yung breastfeeding, yung pagpasuso, ay medyo na-establish na rin nang mas matagal, mas madaling maipapagpatuloy ng nanay ang pag-express ng gatas nya sa opisina, at tuluy-tuloy syang makakapagbigay ng gatas sa anak nya. Yun ang dalawang pinaka-importante: Time for bonding para pag-alis, malakas-lakas na ang bata. At time for breastfeeding.

CS: Ma’am linawin lang natin yung 100 days, kahit na normal o casesarean pareho po?

PSC: Oo, hindi natin pinag-iba. Basta 100 days ang maternity leave, at yan po ay paid maternity leave, so ang government employees babayaran po ng gobyerno, at doon naman po sa private sector, ang current na practice po kasi natin, may cap ang SSS ano. Ang ibinibigay ng SSS, mayroon syang computation na humigi’t kumulang na P15,000 to P16,000 [kada buwan]. So ang ginawa natin, sinabi natin dito sa bill na ito na pag sa private sector ka, babayaran ng employer mo ang balanse ng sweldo mo na mahigit doon sa ibibigay ng SSS. Para makuha mo pa rin nang kumpleto ang sweldo mo.

CS: Okay, so malinaw po yun. Pero pagdating naman doon sa, ito with pay, pero may sinasabi rin tayong another 30 days kung gusto pa ring mag-avail, pero without pay yun?

PSC: Oo. Meron tayong mga provision na pwede ka talagang tumanggap ng extra 30 days. May ibang dahilan yan kasi sa ibang bansa nga, mayroon pang 180 days leave, one year, pero syempre binabalanse din natin yan sa pangangalian ng empleyo. So sabi natin, after 100 days, wala ka nang sweldo pero hindi ka rin nila pwedeng tanggalin.

CS: So dapat may pagkakapantay lang ano, pagdating mo doon, walang diskriminasyon…

PSC: Oo. Pagbalik mo naka-reserve yung pwesto mo. Alam mo, marami akong kinausap na mga employers. Kasi doon sa mga nagsasabing, “Naku, masyadong pabor yan sa mga kababaihan,” eh dapat lang naman po dahil hindi naman po nararanasan ng kalalakihan ang pagdadala ng bata. Number two, hindi naman po made-dehado ang mga empoyer dito, dahil kahit anong tanungin mo na trabaho, kadalasan namang nangyayari, kapag nag-leave ang isang babae, most likely kino-cover naman ng employer n’yo o ng ibang employees yung trabaho. Whether babae o lalaki ang nag-leave, kino-cover naman ng mga kasamahan yan eh. Bibihira lang po yung sitwasyon na kailangan mong magpasok ng extra, at kung kailangan mo mang mapasok ng extra, eh iilang beses lang naman mangyayari yun sa isang taon. Kung maliit lang ang kumpanya, baka isang beses lang sa isang taon, o ni hindi pa mangyari sa isang taon. So hindi sya kabigatan sa isang employer.

CS: Well-being naman yung pinag-uusapan ng nanay at ng bata ano. Humihirit yung ibang mga kasamahan ko ritong lalaki, papaano naman daw yung paternity leave? [laughs] Baka pwede raw i-extend din with pay? Maisusunod ba yan?

PSC: Yung paternity leave? [laughs] Actually pro-paternity leave naman ako. Pero ang aking panawagan sa ating mga kalalakihan, ipakita muna natin na on-board tayo to help with parental tasks. Kasi ang ayaw nating mangyari is that may paternity leave tayo na hindi naman nagagamit for that purpose. So inuna lang natin ang maternity leave, dahil syempre, alam naman natin na ang kababaihan ang nagpapasuso, sya ang nanganganak, sya ang nagre-recover. Pero wala tayong problemang bigyan pa ng more support ang paternity leave – in due time.

CS: Maraming salamat po sa oras na ibinigay ninyo po sa amin senadora!

PSC: Maraming salamat din! God bless. #

References:

- Full text of Senator Pia Cayetano’s sponsorship speech on Senate Bill No. 2982, the proposed ‘Expanded Maternity Leave Law of 2015.’ Delivered in plenary on October 6, 2015: http://senatorpiacayetano.com/?p=2884

- PDF copy of SBN 2981: http://senate.gov.ph/lisdata/2236819087!.pdf

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>