On the RH Law oral arguments

Highlights of interview: Sen. Pia S. Cayetano
Conclusion of the RH Law Oral Arguments
Supreme Court
27 August 2013

Question: About conscientious objection, pwede po ba talagang tumanggi ang doktor sa ilalim ng RH Law?

Sen. Pia S. Cayetano: Napaka-simple naman [ng batas]. Ang pino-protektahan ng batas ay ang karapatang pangkalusugan ng mga tao. Every Filipino has the right to Reproductive Health. Pag pumunta ka sa doktor mo, kailangang magbigay sya sa iyo ng payo tungkol sa Reproductive Health.

Ngayon, kung mayroong doktor na labag sa kanyang kalooban, labag sa kanyang konsyensya na magbigay ng impormasyon na nakalagay sa batas na kailangan. Lahat yun, mula sa natural hanggang sa modern family planning, kung labag yun sa kanyang kalooban, pwede nyang sabihin na, ‘Naku, iha, iho, labag yan sa aking paniniwala kaya doon ka na lang pumunta sa kasamahan ko.’ Yun lang naman ang nakalagay sa Reproductive Health Law. Wala tayong hinihiling na iba pa kundi maprotektahan ang karapatang pangkalusugan ng bawat Pilipino.

And that to our belief is Constitutional because we are not imposing any burden on anyone. Wala tayong pinipilit. Kung ayaw ng doktor na magbigay, nandun pa rin sa kanyang responsibilidad na i-refer lang naman sa ibang doktor o ibang health worker na makaka-asikaso sa pangangailangan ng pasyente na yun.

Q: Ma’am wala po bang ini-impose na sanction o penalties sa RH Law?

SPSC: May penalty kung sadyang ayaw magbigay ng impormasyon na tama ang isang health service provider. Ang sinasabi natin, kung doktor ka, kung ikaw ay isang health service provider, obligasyon mong magbigay ng tamang impormasyon. Kung hindi mo kayang magbigay ng tamang impormasyon, i-refer mo na lang doon sa ibang tao. Pero kung magbibigay ka ng maling impormasyon, then doon ka magiging liable dahil mali naman yun. Katiwalian naman yun sa iyong responsibilidad. Kahit tignan mo sa kanilang ethical responsibilities, as a health professional, that is unethical for them. So nilalagay lang natin sa batas ang talaga namang dapat gawin ng isang health professional.

Q: Ma’am 60 days ang ibinigay para mag-submit ng memoranda. Hindi po ba masyadong matagal ito?

SPSC: Para siguro makapagsulat nang maigi. Kaya sana ng thirty days lang pero discretion na lang ng justices yun.

So anyway, let me just conclude by saying na naging mahaba din ang oral arguments. Limang hearing days ang inilaan ng Supreme Court para sa Reproductive Health Law. It shows na napakahalaga ng isyung ito and I’m confident na maliwanag ang paghahayag at pagsagot naming mga respondents sa tanong ng mga justices. But even in the memorandum liliwanagin din natin ang ibang mga issue.

On the issues that the Chief Justice asked, a lot of those can easily be explained if you look at the legislative history [of the RH Law]. Kasi yung tingin nila na hindi ganoong kaliwanag, kasi po naging subject na yan sa amendments ng mga anti-RH. So you have to reconcile yung original intention ng authors and sponsors katulad namin, at noong tinanggap namin ang mga amendment ng anti-RH. Madali po nating maipapaliwanag yun sa memorandum. And I’m happy na tinanong yung questions para talagang maipakita natin that the law is constitutional.

Q: How would compare the questions in Congress and the Supreme Court?

SPSC: It should be different, because in the Senate and in the House, the debate is between lawmakers. Dito sa Supreme Court, number one, it’s not a debate and what it really should be is, nagbibigay ng paliwanag ang bawat panig sa posisyon nila and the Supreme Court justices are simply asking questions to clarify things. Pero nagulat din ako kasi yung nature ng ilang tanong, parang nasa Senate pa rin. Pero nasa kanila naman po yun. As long as naipaliwanag naman namin nang maayos, yun ang tinitignan ko na mas mahalaga. #

‘Team RH’ members pose for a photo following the conclusion of the RH Law oral arguments at the Supreme Court [L-R]: Sen. Pia Cayetano, Senior State Solicitor Florin Hilbay, former Albay Rep. Edcel Lagman and Solicitor General Francis Jardeleza.

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>