Anti-RH: Too few women die to merit RH Law

News Release

24 July 2013

 

Sen. Pia: ‘Anti-RH petitioners think too few women die to merit government’s attention’

Transcript of interview with Sen. Pia S. Cayetano

2nd Day of Oral Arguments on the RH Law

Supreme Court, Manila, 23 July 2013

 

Q: Ma’am reaksyon po sa ikalawang araw ng oral arguments…

A: Para sa akin po, napakaliwanag na ang mga argumento ng petitioners [anti-RH camp] ay talagang walang basehan. Their position to me today revealed the preposterousness of their position. Kasi po ang argument nila ay ganito: Dapat daw ibasura ng Korte Suprema ang RH Law, kasi raw, 160 women out of [every] 100,000 women ‘lang naman’ daw ang namamatay. Mas marami pa raw ang namamatay sa ibang sakit. Therefore, huwag na nating bigyan ng pansin ang mga kababaihan. Sabi nila, bakit hindi raw bigyan ng pansin ang ibang sakit?
Pero kung tinitignan naman po nila yung ginagawa natin sa Kongreso, dahil tayo naman po ang naging Chairman ng Committee on Health, makikita naman po nila ang ibang batas na binigyan natin ng pansin at kung magkano rin naman ang inilagay nating budget sa Department of Health.

Nandyan po ang PhilHealth Law na sabay ko pong dinepensahan kasama ng RH Law. Nandyan po yung Graphic Health Warning Bill laban sa paninigarilyo, yung Sin Tax Law. Lahat naman po yon ay binigyan natin ng pansin. Napakababaw na ibigay bilang dahilan na ‘160 babae lang naman’ daw ang namamatay.

Ang iba pa po nilang argumento ay kailangang mas marami pa raw ang manganak para lalo pa raw pong dumami nang dumami ang ating laborers, ang ating OFWs. Labing-isang milyon daw ang ating OFWs na malaki ang kinikita at bumubuhay sa Pilipinas. Eh talaga naman pong humahanga tayo sa lahat ng OFWs natin na nagtatrabaho kahit mahiwalay sa kanilang pamilya. Pero iyon ba ang pangarap natin para sa bawat pamilya? Na sila ay lumabas ng bansa para maghanap ng kabuhayan doon? Ang sabi pa po nila, itong mga ‘unskilled workers’ na ito ang bumubuhay sa Pilipinas. Opo, hangang-hanga po ako sa mga kababayan natin na OFWs, pero hindi ba gusto natin na sila ay maging ‘skilled’ workers? Hindi ba natin pangarap na ang bawat pamilya ay maging mas responsable? Para nga naman ang mga anak nila ay maging skilled workers? Maging edukado para nga naman hindi sila napipilitan na mangibang-bansa?

So ganoon po ang klase ng mga argumento at hindi ko nga po alam kung hindi nila binasa ng husto ang RH Law, o gusto lang nilang lokohin ang publiko at ang karamihan. Dahil ang mga justices pa po ang nagpo-point out sa kanila ng mga probisyon sa batas na sinasabi nilang wala po doon. Sabi raw nila, mamumudmod daw ang gobyerno ng mga kontraseptibo na makakasakit sa kababaihan. Wala daw pong guidelines, wala daw pong health workers at mga propesyunal na maninigurado na safe po ito sa mga kababaihan.

Pero makikita naman po ninyo sa batas. Napaka-klaro na dapat pong pasado sa FDA [Food and Drugs Administration] natin itong mga kontraseptibo. Kapag hindi po yan pumasa ay dapat hindi ibigay sa tao yan. Pangalawa, sinisigurado na ang mga eksperto, ang mga health professionals, ang magtuturo kung papaano gagamitin. At pangatlo, puno’t dulo nito, wala pong pinipilit.

Ang [argument] po nila, ‘unequal protection of the law,’ dahil daw po ang mahihirap ay pipiplitin na gumamit ng kontraseptibo. Pero paulit-ulit pong sinasabi sa loob ng batas na RH Law na wala pong sapilitan. Kung gusto n’yo pong makipag-siping na walang proteksyon, nasa inyo po yun. Kung gusto n’yong magplano ng pamilya, tuturuan po kayo. Kung gusto n’yong magpa-vasectomy, tuturuan po kayo. At kung wala po kayong gustong gawin, gusto n’yo pong maging iresponsable na manganak nang manganak kahit hindi na kayang buhayin, unfortunately kawawa mga anak n’yo, pwede n’yo pa ring gawin yan. Yan po ang nasa batas natin.

Kaya sa tingin ko ay napakaliwanag naman para sa lahat ng nakinig sa oral arguments na talagang mahinang-mahina po ang posisyon ng mga petitioner. But of course, again, as a member of the Court, I have to respect and sit there for five hours and listen to their arguments. Kasi po karapatan din naman na mapakinggan at mabigyan ng pagkakataon ang mga concern nila.

Q: Ma’am ano po ang reaksyon n’yo sa sinabi ni Atty. Liban na hindi raw po consistent ang RH Law sa ‘Daang Matuwid’ ni Pangulong Aquino?
A: Yun din nga po ang masakit sa akin. Kasi nga ang sabi nila, pinakamahabang SONA na raw yung naganap na SONA kahapon [July 22]. At paulit-ulit na sinasabi ni Atty. Liban na ang gobyerno ay napaka-iresponsable sa pag-ako nito ng responsibilidad na bigyan ng impormasyon at serbisyo ang mga kababaihan at mga pamilya ukol sa reproductive health, na ito raw ay hindi consistent sa ‘Daang Matuwid.’

Nakakalungkot po na ang mga ganoong kabigat na paratang, dahil very responsible po ang approach, not only by the legislative [branch], o ng Kongreso, sa pagpasa ng RH Law, pero pati po [ng administrative branch] sa implementation. Napakaingat po ng Department of Health na nakatutok dyan, at ng FDA nga po na naninigurado na safe ang ating mga gamot.
Ang gusto ko pang idagdag, pinapalabas nila na itong mga kontraseptibo, na lahat ng yan ay masama po sa tao. Meron pa po yang listahan ng side-effects. Pero no less than the justices themselves acknowledge na lahat naman ng gamot, including paracetamol [isang ‘over-the-counter’ pain reliever], ay mayroon naman po talagang side-effects. Ang obligasyon ng gobyerno ay iparating sa mga tao ang lahat ng impormasyon.

Talaga namang masama kung kukuha kayo ng kahit anong gamot at ng kahit na anong kontraseptibo na hindi n’yo talaga nalalaman ang side-effects, at kung paano ang wastong paggamit nito. Pero wala namang nagsasabi na ganyan ang gagawin ng gobyerno [sa RH Law]. We [lawmakers] have presumed that the government will do its job, at nilagay pa natin sa batas na yan na obligasyon ng gobyerno na gawin ang tamang paraan kung paano ibinibigay ang anumang klase ng gamot. #

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>