Sen.Pia: Let’s stick to the issue

Note: For everyone’s reference, our office is releasing the transcripts of three separate interviews of Senator Pia S. Cayetano with reporters at the Senate during Wednesday afternoon’s session, January 23.

The interviews were conducted during the break in session immediately following the speech of Sen. Alan S. Cayetano and the heated exchange that ensued between him and Senate President Juan Ponce Enrile regarding the Senate savings issue.

In these interviews, Sen. Pia was also asked by reporters to react to allegations raised by Sen. Enrile against her late father, and what made her walk out from the Senators’ caucus that took place earlier that afternoon prior to the speech of the Sen. Alan.

“I’m proud of my brother”
Transcript of interview of Sen. Pia S. Cayetano (1)
Senate session hall
23 January 2013

Question: Ano po ang reaksyon nyo sa nangyari sa plenary?

Senator Pia S. Cayetano: Kasama po sa bawat galaw namin, kasama po sa bawat galaw ng bibig namin, ang aming paniniwala ay talagang obligasyon namin na pangalagaan ang pangalan na iniwan sa amin ng aming ama [the late Senator Compañero Rene Cayetano]. So syempre po, nang marinig ko ang pangalan ng ama namin na wala namang kinalaman sa istoryang ito, nakakagulat po. But I’m very proud kung papaano sinagot ni Sen Alan yun, kasi totoo naman na walang kinalaman sa diskusyon iyon. It’s a very personal thing. Wala naman ho dito ang ama namin para sagutin iyon. At yun na nga, ano ho ba ang kinalaman nun doon sa diskusyon sa Senate funds?

Q: Ano po ang balak nyo pag nag-resume, sasagot din po ba kayo?
SPSC: Hindi na naman siguro kailangan. Kitang-kita nyo naman na kayang-kaya ni Alan sagutin di ba? Ako naman yung statement ko, ginawa ko na naman kahapon [Tuesday, Jan. 22], maliwanag naman yung sinabi ko. Syempre kung babanggitin ang pangalan ko, eh di nakahanda naman akong tumayo. I also have to explain my position. pero I have also made it very clear na paano ba talaga ginagamit yung pondong iyon di ba. Kasi it goes into the heart of the independence of the Senate, at ng role ng majority and minority. So lumalabas kasi na porke minority ka or naiba ang paniniwala mo sa mga paniniwala ng lideratura ng Senado ay pipigilan ka sa pamamagitan ng pondo. So yun lang naman ang gusto kong ilabas noon, at lumalabas naman na consistently, it’s still an issue.

Q: Ma’am yung kaninang nagtweet kayo na nag-walk out kayo sa caucus, bakit po?
SPSC: Eh kasi pinag-uusapan nila yung P1.6 million. I found it very disgusting na pag-usapan yun sa harap ko . Again nga, that fund was used against me and other members of the minority. Ginamit syang paraan para pigilan yung aming freedom to express our point of view as a senator. I found it disgusting na pinag-uusapan yun.

Q: Ma’am paano pinag-usapan yun that you had to walk out?
SPSC: Kasi ang official naman na topic kanina is ibang item. So in passing, napag-usapan yung mga pangyayari na, ‘O, yung P1.6M na yan, eh talaga namang pondo natin yan na ginagamit sa MOOE.’ Ganun. Pero the manner na pinag-uusapan yun ay, ‘Kayo, meron kayo nyan dahil ang paniniwala ng Senate President, kayo pwedeng bigyan nyan dahil kayo ay responsable.’

Q: Kaya po kayo nag-walk out?
SPSC: Oo. So parang ako, may mali doon eh. Di ba katulad nga ng sinabi ni Sen. Alan, ‘Is it now being used as a tool to control the minority? To deprive us of our legitimate exercise of our position?’ So yun, I found it very disgusting. #

Why Sen. Pia walked out from senators’ caucus
Transcript of interview of Sen. Pia S. Cayetano (2)

Senate session hall
23 January 2013

Question: Ma’am you tweeted earlier na nag-walkout kayo sa [senators’] caucus. Ano po ba ang nangyari?

Senator Pia S. Cayetano: Di ko na sana talaga dadagdagan yun, pero consistent din sya sa topic na ito. Kasi napag-usapan in a light manner [sa caucus] yung P1.6 million. At katulad nga nung sinabi ni [Sen Alan], ‘Ito na ba ang patakaran dito sa Senado, na porke minority ka ay tatanggalan ka na ng pondo?’ As long as ginagamit naman yan sa tama, hindi ba dapat ang access dyan ay pare-pareho? So yun yung naging topic sa caucus. So parang ako, ‘Aba, pinag-uusapan n’yo ito na parang pare-pareho tayong may access sa pondong iyon, sa harap ko. Na hanggang ngayon ay hindi man lang ako binigyan ng pabor ng Senate President na sagutin yung katanungan ko kung ano po ba ang naging kasalanan ko para yung pondong supposedly ay MOOE, ay kaming iba na nasa minority ay hindi nga nabigyan?’ So na-offend lang ako sa ganung usap-usapan in front of me. So lumabas na lang ako [sa senators’ lounge].

Q: Kanina nabanggit ni Senate President yung P37 million daw na utang ng father n’yo. Ano po ang reaksyon n’yo dito?

SPSC: Napakasimple lang naman nun. Eh matagal naman nyang nakasama ang tatay ko, ano? My father passed away in 2003. They were law office partners for many years. Bakit hindi nya siningil sa tatay ko? Bakit ngayon babanggitin yun sa panahon na ang kapatid ko ay naglabas ng mga importanteng issue tungkol sa paggamit ng pondo? Bakit ngayon ilalabas yun, di ba? Ni kami, personally, hindi naman nya sinabihan. Sinabi pa nya na pati yung kahoy sa bahay namin na kung saan nakatira ang nanay ko ngayon, ay sa kanya galing. Sabi ko nga sa nanay ko, ungkatin nya yung kahoy, tignan nya kung may initials ni JPE yun. Malay ba namin di ba? [laughs] Bakit hindi nya itinanong noon? It’s very personal and very unprofessional.

Q: Mam personalan na po yata ang nagyayari?
SPSC: Well, as far as Alan and I are concerned, wala kaming ‘personal’ di ba. So I think it’s not correct to say na ‘personalan’ because we have never brought up anything personal. Lahat po ng sinabi ko, in fact, the reason why I was so offended – both nung nagsalita ako kahapon [Tuesday, Jan.22] sa Senate floor at nung lumabas ako sa caucus kanina – is [because] I have been very fair. Di na nga ako nagga-grant ng interview para hindi na humaba ito.

Just like my brother, I have never resorted to name-calling. We have been brought up to be respectful to our colleagues and to our elders. Ang sabi nga ni Sen. Alan, ang tawag namin sa kanya, ‘Uncle Johnny’ o ‘Tito Johnny’ or ‘Manong Johnny.’ Sa lahat ho ng issue, pati doon sa pagbabalik nya ng regalo [ko], wala ho kayong narinig sa akin kahit na offensive po sa akin yan. Kahit sino ba naman sa inyo di ba? Na pag nalaman nyong na-etsapwera kayo dahil nanindigan ka sa paniniwala mo na labag dun sa paniniwala ng Senate President. Wala ho kayong narinig sa akin, kasi po ang plano ko ay kausapin na lang sya nang deretso sa pag-resume ng session. Pero hindi na ho ako nabigyan ng pagkakataon dahil kung anu-ano na ang sinabi sa media tungkol sa amin po. So there’s nothing ‘personal’ on our side. Ang personal ay sa kanya ho nanggagaling.

Q: Ma’am ano ang nakikita n’yong magiging ending nito?

SPSC: Well kami naman, we are sticking to the issue. And I’m very proud of my brother, si Senator Alan. He’s taking on the role as a true Minority Leader by bringing up these issues na dapat ma-resolve. So sana nga ay mag-prevail din ang mga kasama natin sa Senate President to stick to the issues so we can move on.

Q: So sinusuportahan n’yo po yung posisyon ni Sen Alan na private accounting firm na ang mag-imbestiga?
SPSC: Opo. As the Minority Floor Leader po naman, I think yung panawagan nya na yun ay maganda po talaga.

Q: Senator, nabanggit po yung tungkol sa utang. Sa pagbabalik po ng sesyon, kayo po ba ay sasaklolo [kay Sen Alan]?
SPSC: Hindi na, hindi na. Wala naman akong kailangang saklolohan. My father was an honorable man. Kung meron man silang anumang personal na isyu ni Senate President, dapat ay matagal na nilang na-resolve yun. Nung nalaman nyang may cancer na ang tatay ko, eh di sana siningil na nya nung buhay pa.

Q: Kapag po ba ang isang tao namatay, yun po bang pagkakautang nya ay ano ang mangyayari?
SPSC: Ikaw naman inilabas mo pa ang pagiging abogado ko eh [laughs]. Syempre po pwede pong singilin sa estate yun. Pero wag na po tayong pumunta doon because that’s not the issue di ba? Hindi na ho dapat talaga mapunta dyan dahil ang issue is the use of the funds of the Senate. Eh yun po talaga ang gustong mangyari ni Senate President, na maiba ang issue. And that’s not the issue. #

“My dad was an honorable man”
Transcript of interview of Senator Pia S. Cayetano (3)

Senate session hall
23 January 2013

Senator Pia S. Cayetano: Sang-ayon naman po ako sa ating Minority Floor Leader na ilabas ang mga isyung ito which would preserve the independence of the Senate, to ensure that the minority would be functioning as they should be, na hindi sila unduly nape-pressure by way of funding or any other way di ba. So nung mag-iinterpellate na si Senate President Enrile, sa totoo lang, hindi ako surprised eh. Kasi nakita na natin na in the past few days, ganun ho yung paraan nya na sumagot sa mga issues na iyon. Hindi straight to the point, personal, palihis, by way of accusing us of other things, so nagulat lang ako, pero let’s just say, I expected something like that, non sequitur, na not connected with the issue.

Q: Na-disappoint po ba kayo dahil mayroon pang nabanggit na utang, kumbaga eh yumao na po yung inyong tatay, si dating Senador Renato Cayetano? Nasaktan po ba kayo?
SPSC: Well, sadly, let me say I’m not surprised, coming from him. My dad, I don’t think merong kahit sinong pwedeng magsabi tungkol sa tatay ko na ikadi-disappoint ko because my dad was an honorable man. It’s just disappointing for me na kailangang ilabas yan during this Senate debate on issues that are clearly Senate-related. Wala namang kinalaman yun. Nakakahiya po sa mga tao. So the only thing that we can do is raise the level, bring it back to the professional discussion. Kaya po pag tinatanong ako na ‘Bakit nagiging personalan na?’ Hindi po. Kami po hindi namin ginagawang personalan yan, lahat ho ng lumalabas sa bibig namin ni Sen. Alan, and the rest of the minority, are professional issues, issues that should be addressed. It may not be legislation per se, but they are administrative matters that relate to the Senate. So the most that we could do, kasi nga, sabi ni Sen. Alan, nananahimik kami eh. Hindi nga ako nagsasalita, eh wala ka namang choice. Basta we do our part and make the discussion professional.

Q: So Ma’am meron kayong tinweet na nag-walkout kayo dun sa caucus bago po itong pagpi-privilege speech ni Senator Alan Cayetano?
SPSC: Oo. Kasi ganun din eh, napunta din ang issue sa pondong yun, at pinapag-usapan yun na para bang, you know in a very light manner, na parang walang issue. I mean nanggaling din yung discussion from the Senate President himself. So na-offend ako, kasi ni hindi mo nga sinagot yung tanong ko kahapon eh [Note: Referring to her manifestation on Tuesday, Jan. 22], na ‘Ano ho ba ang dahilan na kami pong nasa minority, in particular me, ay wala hong karapatan na gumamit ng MOOE?’ Syempre ang assumption naman natin doon, ay ginagamit naman sa tama yun. Kasi nga nililihis nila na parang may ‘abuse’ yun, wala naman kaming sinasabing ganun. Sabi nga ni Senator Alan, ‘Wala ho kaming hinuhusgahan.’ Ang tanong lang ay: Bakit nagsi-single-out? Bakit may discretion ang Senate President na yung iba, bibigyan at yung iba hindi. So na-offend ako na pinapag-usapan yun sa harap ko na para bang wala lang ako dun, o para bang okay lang na kami ay mayroon kaming pang-maintenance and other operating expense, pero ikaw, dahil nanindigan ka sa RH bill at sa Sin Tax, wala. So lumabas na lang ako sa diskusyon. It’s very offensive na pag-usapan yun sa harap ko without addressing my concerns. #

Photo: Minority leader Sen. Alan Cayetano delivering a privilege speech on Wednesday (Jan.23) to call for transparency in the Senate’s finances.

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>