We have a good chance of passing RH bill

News Release
5 December 2012

Transcript of Interview of Sen. Pia S. Cayetano
Topic: RH BILL amendments
Senate plenary

Q: Reaction nyo po sa outcome ng RH debates [yesterday]?

SPSC: Well I’m very happy. Actually, with every amendment na pino-propose, nagkakaroon din naman ako ng pagkakataon na ipaliwanag sa tao ang kahalagahan ng bawat amendment at ipakita na hindi naman natin intensyon na makipagbakbakan; kundi ipaglaban yung karapatan ng kababaihan [at] ng pamilya na magplano ng sariling pamilya.

So happy ako that these questions are raised para masagot ko. But syempre, lalo naman akong happy na lahat ng amendments na kinailangang pagbotohan – dahil hindi ko naman tinanggap yung ilang amendments na gusto nila dahil sa paniniwala kong nakakasira [ito] sa gusto nating karapatan na ibigay sa kababaihan at mga pamilya – ay nanalo kami. Hindi nanalo ang amendments na pinropose nina Senator Juan Ponce Enrile at Senator [Ralph] Recto. So natutuwa po ako dahil I think ipinapakita nito na the majority of the senators support RH and understand yung detalye nito. Napakahalaga po sa akin nun.

Q: You were able to convince the senators on the vote regarding the phrase, ‘safe and satisfying sex life’…

SPSC: Oo, yung unang pinagdebatehan na issue ay yung ‘the right to a safe and satisfying sex life.’ Sabi nya [Enrile], hindi raw dapat ilagay yun doon [in the definition of ‘Reproductive Health’]. Tapos sabi din ni Senator Sotto, bakit pa kailangang sabihin yun? Di daw nya matanggap na nandyan yan sa loob ng batas natin.

Simple lang ho ang paliwanag dyan eh. Unang-una yung ‘safe’ sex life. Sabi ko nga nag-celebrate tayo ng ‘World AIDS Day,’ kumakalat po ang HIV sa Pilipinas samantalang sa ibang parte ng mundo, pababa po ang insidente ng HIV/AIDS.

So hindi ba ang bawat isa sa atin [ay] may karapatan naman na ‘pag nakipagtalik ka sa partner mo, kahit asawa mo, dapat ‘safe’ ka. Eh kasi kung meron hong pangyayari na nakipagtalik ka sa asawa mo, hindi naman sya nangangaliwa, pero dun sa dati nyang buhay bago ka pa nya makilala [ay] may bitbit na pala syang sakit. So dapat mag-counselling kayo. May karapatan kayong alamin na ‘naku, may bitbit pala itong sakit, dapat pala mag-condom kami.’ Karapatan ng bawat couple yan na alamin kung paano ma-proteksyunan ang bawat isa.

Pangalawa, yung tungkol naman sa ‘satisfying’ sex life. Ang ganda naman ng paliwanag ni Senator Alan [Cayetano]. Sya pa mismo yung tumayo. Sabi nya, “Yung mga dating panahon, in fact meron pa rin ngayon, may paniniwala yung ibang lalaki na karapatan nilang ‘gamitin’ ang kanilang asawa.” So tama lang yun na wag tayong mahiyang aminin. Na dapat namang bigyan din natin ng kaligayahan ang kababaihan. Alangan namang lalaki lang ang nag-eenjoy? So natuwa naman ako sa kapatid ko na kaya nyang ipaliwanag yun, samantalang yung iba, parang ikinahihiya nilang sabihin yun.

And the other aspect dun na napakaganda ay yung paliwanag na karamihan sa kababaihan [ay] hindi na nga nila nae-enjoy yung sex life nila kasi takot silang mabuntis. Gusto man nila makipagtalik sa asawa nila, takut na takot silang mabuntis. Ang sabi ko nga, ang resulta pa nga nun, yung iba nagpapalaglag. So dapat lang yun na may karapatan silang proteksyunan yung sarili nila. Para naman as a couple, mag-asawa naman, pwede silang mag-enjoy ng sex life nila.

Q: With the progress, kahit medyo mahirap pa talaga ang tinatahak ng amendments, ano ang pakiramdam ninyo? Kayo po ba ay confident na ito ay maipapasa before the Christmas break?

SPSC: Well it seems like, yes. Again, by nature hindi ako overconfident. Pero sa nakita ko, the signs are very positive that we have a good chance of passing it. Of course, God forbid, wag naman sanang mag-delaying tactics and I’d like to think na handa naman ang mga colleagues ko to bring it to a vote. Di ko minamadali ang amendments nila, pero if we do it naman without any delays [and] we commit enough time to debate it, matatapos po namin talaga.

Q: What happens from now?

SPSC: Well hindi natapos yung amendments ni Senator Recto, so we will continue… And according to Senator Sotto, meron pa sya [amendments], and I’d like to request na maging ready na rin yun early next week para matapos na. And of course, inaabangan pa rin namin yung sa House. Dapat sabay lang sana kami matapos para we could go into bicam.

Q: Any moves on your part para ito ma-certify ng Pangulo?

SPSC: I leave it up to him. Alam naman nya yung dasal at pangangailangan ng kababaihan. Pero I think he also trusts na kaya rin naming ipasa. But of course, that [certification of the RH bill as urgent] will send a good signal ‘di ba kung nandun? But then again, happy na rin ako sa mga narinig kong statements from the President. #

What's wrong with the phrase, 'safe and satisfying sex life'?: Sen Alan Cayetano stresses a point during debates on the RH bill as the its sponsor, Sen. Pia Cayetano listens.

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>