The battle, the time for RH is now

News Release
6 September 2012

‘The battle, the time for RH is now’
Transcript of interview with Sen. Pia S. Cayetano
Senate hallway, 05 September 2012

Q: Ma’am, ‘yung kay Senator Enrile, mukhang medyo na-slight siya ng konti…

PSC: Well as far as I’m concerned, simple lang naman ang objective ko eh. I put on record na napakatagal nang pending ng Reproductive Health Bill. And I’ve stood for over a year answering questions, and inabot ng more than one month ang turno en contra. Hindi naman ako umaangal. So now, the next step is the committee amendments. Under the rules, strictly speaking, walang interpellation of the one who gives the turno. Pero we’re very lenient on this, so it’s allowed. I never said that it’s not allowed. I was simply asking, ‘What is the objective?’ because I have already heard a lot of statements that ‘next year na ito,’ o ‘walang time.’ And I’ve always questioned, ‘How can you say there’s no time?’ 5 o’clock, 6 o’clock…marami pang time. Wala bang time to save women’s lives? Wala bang time to stop teenage pregnancies? Wala bang time to save children who need healthcare? So I needed to put that on record. Now like I said, wala akong pinipigilan, pero I would like to request, as I have requested, for reasonableness in the use of the Senate floor’s time in asking questions and in seeking whatever answers they have to their concerns, so that we can move this forward and put it to a vote.

Q: Ma’am, nabasa n’yo ho ba kanina, ‘yung sa gustong magtanong ni Senator Enrile na papahabain nila ‘yung…

PSC: I cannot judge what the objective of every senator is in asking questions, but my point is this – Sa buong history ng Senado, at some point naman, we have to ask ourselves, ‘Reasonable pa ba ‘yung ginagawa ko? Tama pa ba?’ Hanggang saan ka ba pwedeng magtanong, di ba? Tapos sasabihin, ‘O, pinipigilan [ako] magsalita!’ Wala naman hong nagpipigil na magsalita ang kahit sino. Pero ano ho ba ang test of reasonableness, di ba? Kung talagang gusto mo rin naman makisama sa sponsor, eh di mag-schedule ka everyday para matapos na ‘yung pagtatanong, ‘di ba? Eh ang sabi po sa akin before, ‘Wala na pong tanong.’ Iyon lang naman ang sa akin.

Q: (Inaudible) sabi niya na ‘who are you to question me?’

PSC: Kanya-kanya na hong style sa pagsasalita iyon. Hindi naman po ako sensitive eh.

Q: Pero may nakapagtanong pa rin po di ba?

PSC: Yeah, may nagtanong na rin.

Q: What do you make of it?

PSC: Well, alam mo, I’ve answered, if I’m not mistaken, all of those questions already. So bagama’t endurance athlete ako, napapagod na din ako. (laughs) Hindi naman. As I said, karapatan naman po nila magtanong. Ang request ko lang po, ‘yung reasonableness. Kung naipasa naman natin ‘yung ibang batas na nakakabuti sa ibang tao, bakit ‘yung batas na nakakabuti sa mga ina ay hindi natin mabigyan ng pansin? It’s a gender issue. With all humility, napag-aralan ko na po ito sa ibang bansa. Lagi hong ganito ang tugtugin. Karamihan lalaki ang humahadlang sa mga programang ganito dahil hindi nila naiintindihan. ‘Yun hong salita sa turno en contra, at nandito ho ang maraming kababaihan natin, sinabi po doon, gusto po nila na maraming-marami ang anak nila para taga-tulong sa kanila sa, siguro sa lupain. May lupain ho ba lahat ng tao para magpakain ng kinseng anak? Ano ho ang sagot niyo? Meron?

Women [listening to the interview, standing behind Sen. Pia at the hallway]: Wala!

PSC: Gusto niyo ho bang magkaroon ng napakaraming anak?

Women [listening to the interview, standing behind Sen. Pia at the hallway] : Hindi!

PSC: Nasa sa inyo po ‘yun. Hindi ko ho kayo pinipigilan, pero gusto niyo ho bang magkaroon ng reproductive health?

Women [listening to the interview, standing behind Sen. Pia at the hallway] : Yes! Oo!

PSC: O, ‘yun eh! Diba? So ‘yun lang naman ang sa akin. Bakit naman pinipilit nila ‘yung gusto nila? And at the end of the day, ito lang po ang ililiwanag ko: Pag pumasa ang reproductive health, wala ho tayong pinipilit. So si Aling Maria, pwedeng magkaroon ng sampung anak. Kung gusto niyang maging iresponsable, awa ng diyos, magiging iresponsable siya. Ang magdudusa ay ang anak niya, kasi hindi ko pwedeng pakialaman ‘yun. Hindi ko siya pwedeng saksakan ng IUD o ng kung ano man. Unfortunately, karapatan niya to be a bad mother. And that is so horrible, but that is her right, at wala akong pinapalitan doon. Binibigyan ko lang ng chance ang mga nanay na gustong maging responsable to have that opportunity, to raise a family in the way they want and the size that they want.

Q: Doon sa House, mukhang medyo may push ng konti ‘yung leadership [for a compromise], but here [Senate], what do you think?

PSC: Definitely not naman, there’s a world of a difference. Ano naman ‘yan, Venus and Mars. [referring to views of RH sponsors and two Senate leaders] Clear naman, di ba? Kasi anti-RH naman po talaga si Senate President and si Majority Floor Leader.

Q: Pwede makalusot sa House di ba, pero dito hindi? So wala rin?

PSC: Ah no, I’m not saying na hindi ito lulusot. Sinasabi ko lang na kailangan nito ng super powers ng kababaihan.

Q: Ma’am, ano’ng tingin niyo sa…na mas acceptable sa Catholic…

PSC: Wala namang problema ‘yon. I mean, I’m very open. Ayoko naman na ‘yung nagsasalita ka ng patapos di ba? Kaya nga ho ako nafu-frustrate kasi kailan naman ako naging unreasonable, di ba? Gusto ko nga makita kung ano ‘yung mga suggestions nila. ‘Yun nga ang gusto ko, let’s move forward. Kada probisyon, kung may tanong, o himayin ng konti. And then move forward. Next, vote. ‘Yun naman ang gusto ko talaga. And ‘yun naman ang proseso. Sa totoo lang po, nakita n’yo na ba ang national budget? Ang national budget, ganyan kakapal. And RH Bill, ganyan kakapal. Bakit ‘yung national budget, kaya nating bigyan ng sapat na panahon, tapos nadedesisyunan? Nag-o-object naman ‘yung iba ‘pag ayaw nila. O dapat ganoon din ang RH. Bigyan ng sapat na panahon and then pagbotohan.

Q: Comment na lang sa sinabi ni Sotto na ‘this is not pro-poor, this is in fact anti-poor?’

PSC: Well, tanungin niyo na lang po ang poor, di ba? Kasi po noong panahon na binabagyo tayo, dalawang linggo lang ang nakaraan, pumunta ako sa mga evacuation center. Tinutulungan ko ‘yung mga nanay magpadede kasi ‘yun na lang naipapakain sa anak niya. Eh kinse ‘yung anak. Hindi pala kinse, sampu. ‘Yung nakausap ko, dalawa sila na sampu ‘yung anak. Papaano kaya niya pakakainin ‘to? Paano? ‘Pag sinabi mo ang sagot ay education, suporta. Eh kahit anong gawin ng DepEd at ng minamahal nating Presidente, hindi niya kayang pakainin lahat ‘yan. It’s the responsibility of a parent. Pakainin niyo ang sarili niyong anak. Paaralin niyo ‘yung anak niyo. Susuportahan kayo ng gobyerno, pero do your part. So the government should also step in and help them plan.

Q: Sinasabi niya na wala namang nagbabawal na bumili kayo ng condom, ng contraceptives…

PSC: Okay, alam mo, ang taong nagsasabing ‘bumili kayo ng condom,’ tignan niyo ho ang mga mukha ng mga nanay na nandito [referring to women’s groups at the hallway], ako ho, nagkaroon ako ng anak na pinanganak na may kapansanan. So years after, tinutulungan ko ‘yung mga nanay na may anak na may kapansanan din. Would you believe na kung wala man lang silang pamasahe para ipagamot ‘yung kapansanan ng anak nila, dahil ‘yung pamasaheng ‘yun ipang-kakain nila. Bibili ba sila ng condom? Hindi! Papakiusapan na lang nila ‘yung asawa nila, ‘Please, please. Ano na lang, withdrawal or whatever. Please, sana ‘wag akong mabuntis.’ Kausapin niyo sila. That is the life that they go through.

Q: And RH Bill will….

PSC: And RH Bill will address this. Number one, it will give them more alternatives. ‘Yung mga tamang mga methods, ituturo ‘yan sa kanila. And give them options with that full support, hindi lang education.

Now, doon sa tanong na, ‘Eh nandiyan na. Di ba pinakita ‘yan? ’ [referring to existing budget of Department Health which addresses aspects of reproductive health] Andyan na. Opo. Thank God. Because of President Noy [Benigno Aquino III] and to [Health] Secretary Ona, may program tayo. Pero paano kung nawala sila? Ang hinahanap ko, ‘yung tuloy-tuloy na programa. Because ang nangyari sa atin for the past nine years [during the previous administration], walang RH because ayaw ng presidente. Which is the reason na even that time na ako mismo ay chair ng health committee, ang aking mentor noon, si Secretary Flavier who was very—Senator Flavier but prior to that, Secretary Flavier—was very pro-RH. Ang sabi niya sa akin, ‘Pia, hindi aandar ‘yan dahil ang presidente natin ngayon, hindi pro-RH.’ See? So you have to know where to fight your battles. And the battle is now and the time is now. #

Photo: Sen Pia Cayetano with women’s groups supporting the RH bill after Wednesday’s session

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>